How to Series




Just like a recipe of your favorite dish, you need ingredients on how to be the person you want to be. Once your ingredients are prepared, there would be a procedure.

At first, may mga mali kang magagawa. Pwedeng kumulang ka sa timpla, pwede ring sumobra. Ganyan naman talaga sa simula kapag hindi mo pa alam ang tamang timpla.

All you have to do is to practice hanggang sa makabisado mo na ang tamang ingredients and steps. And time will come na mape-perfect mo na ang dapat mong gawin with the right timing.

Ang tanong, ano nga bang dish ang gusto mong i-perfect? Adobo? Afritada? Giniling? Menudo? Sinigang? Lagi na lang bang gano'n? Nakakasawa na rin 'no? Pwede naman nating lagyan ng twist para maiba naman at mas sumarap pa. Kumbaga sa buhay, nakakasawa na din minsan ang maging mabait at gawin ang mga nakasanayan na natin. Mas masaya ang buhay kapag nilagyan ng spice at twist. That would make our life much more exciting, right?


On how to be the nastiest group of people, you'll have to learn from the experts.